Bungad > Walang Uri > Bata, bata, sinong iboboto mo?

Bata, bata, sinong iboboto mo?

Sino ang iboboto mo? Ito na siguro ang pinakamadalas na maitanong sa atin sa ngayon. Kahit saan tayo magtungo, hindi maaring hindi pag-usapan kung sino ang kanya-kanyang manok sa May 10. Maging ako, hindi ko naiiwasang tanungin ang mga nakakausap ko kung sino ang iboboto nila. Pati nga pamangkin kong 7 years old hindi nakaligtas.

Share ko yung naging sagot ng pamangkin ko isang 7 years old Preparatory student. Nai-record ko  sa cellphone ’yung usap namin.

Sinong iboboto mong presidente ng Pilipinas?

“Cory! Cory! Cory!”

Patay na yun e. Sino ngang iboboto mo?

“Si Villar!”

Si Manny Villar?

“Opo.”

Bakit sa Villar?

“Dahil mahirap po siya. Dahil nagtutulong siya sa mahihirap na bata.”

Ano pa? Bakit  gusto mo si Villar?

“Yumaman kasi siya. Yumaman po siya.”

Bakit siya yumaman?

“Dahil nagtiyaga po siya mag-aral.”

Tinanong  ko siya kung bakit hindi niya iboboto ang ibang kandidato.

Bakit hindi mo iboboto si Noynoy?

“Kasi may baby sila. Si James. Si baby James. Nyoy-nyoy! Nyoy-Nyoy!”

Hindi niya anak yun. Anak ni Kris yun. Sinama lang siya sa commercial ni Noynoy

Bakit hindi mo iboboto si Gibo?

“Kasi babagsak yung eroplano niya.”

Wag naman sana.

Bakit hindi mo iboboto si Erap?

“Kasi ang dami niyang tricycle.”

Anong madaming tricycle?

Sa kanto po kasi. Nababasa ko “tricycle ni erap”. Dami sa tricycle.

Poster lang ni Erap ’yun. Hindi niya tricycle ’yun.

’Eto ang pinakagusto kong parte. Tinanong ko siya tungkol kay Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kilala mo ba si Gloria?

“Opo. Siya ‘yung presidente ngayon.”

Iboboto mo ba siya pag gusto niya ulit maging presidente?

“Hindi po.”

Bakit hindi mo siya iboboto?

“Pangit niya po. Pangit ni Gloria.”

Anong pangit?

“Yung mukha.”

Bakit pangit yung mukha?

“Kasi may nunal e. Saka po mukhang criminal.”

–May kasabihan nga tayo, hindi nagsisinungaling ang mga bata.

  1. kapirasongkritika
    Abril 21, 2010 bandang 12:07 hapon

    Haha. Natawa ako rito. Totoo ba ito? Naganap talaga? Hehe.

    • Abril 24, 2010 bandang 5:11 hapon

      totoo teo. mahaba nga yan e, kinuha ko lang ung nakakatawa at may sense. gusto ko sana i-upload ung recording kaso di ko alam kung pano.

    • Abril 24, 2010 bandang 5:15 hapon

      binigyan ko ng reward ang pamangkin ko dahil sa malupet nyang mga sagot. Haha!

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng puna