Bungad > 1 > Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili

Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili

 

 

Hindi ako pala simba pero napilitan ako kasi dumating si Mama galing probinsya. Gusto niyang pumunta sa Baclaran, magpapasalamat daw dahil naging ligtas ang byahe niya.  Sa totoo lang, nagsisimba lang ako pag may okasyon kagaya ng pasko, new year, linggo ng pagkabuhay at birthday ko pero sa pagkakataong  ito, mahirap humindi kay Mama.

Minsan sinabihan ako ni Mama, “Ayan, hindi ka na nagsisimba kasi aktibista ka”. Nainis nga ako e. Hindi naman ang pagiging aktibista ang dahilan. Nauumay na kasi ako. Paano ba naman na ‘di ako magsasawa e mula elementary  hanggang highschool sa Catholic school ako nag-aral. Sa umaga , dasal at rosaryo. Sa tanghali, Angelus. Sa hapon, 3 o’clock prayer. Every Sunday magsisimba dahil required (kailangan pa nga ng pirma ng pari bilang patunay e). Nagiging routine na lang. Para ka na lang robot na automatic na nagsasalita at kumikilos. Nawawala na yung puso. Hindi na nagiging espesyal.

 

 

Isa pang dahilan e yung sermon ng mga pari. May mga pari kasing napaka-traditional. Masyadong vague yung mga sinasabi. Ang gusto ko kasi, sermon na malaman. Yung theory na nagmumula sa Bible, dapat naipapaliwanag kung paano ‘to maisasapraktika sa pang araw-araw na buhay. Dapat nagpapakita rin ‘to ng katotohanan dahil ito rin sa bandang huli  ang maglulunsad ng pagbabago sa ating lipunan. Dapat itinutulak nila ang mga tao na makialam sa kung ano man ang nangyayari sa ating bayan. Kaso bawal daw haluan ng pulitika ang sermon. Dapat hiwalay daw ang Simbahan at Pulitika. Wala daw dapat pakialamanan. Pero may ilang mga pari na sumusuway. Ito yung mga paring nagsusulong ng alternatibong  pamamaraan . Ito ung mga paring gusto at hinahangaan ko.

Teka, lumalayo na ‘ata tayo. Balik tayo sa kwento.

Nagsimula ang misa eksaktong 10:30 ng umaga. Mag-isa lang ako sa upuan kasi si Mama nag-novena ng nakaluhod habang lumalapit sa altar.  Sabi ko nga sa kanya na wag nang gawin yun kasi baka atakihin yung tuhod niya ng aruma. Kaso ayaw paawat, nakagawian niya na daw yun. Hinayaan ko na lang si Mama at nag concentrate ako sa misa.

Umikot ang sermon ni Father sa mensaheng “Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili”. Matapang niyang sinabing, “Kapag inaapi ang kapwa mo, dapat mo siyang ipaglaban” at “Kung kaya mong ialay ang iyong buhay para sa iyong kapwa, gawin mo”. Nakikita naman daw ng Diyos ang mga ginagawa natin. Kung hindi man tayo masuklian sa ating pagtulong dito sa lupa, tiyak naman na masusuklian tayo ng Diyos sa langit. Nagbigay siya ng halimbawa. Nagkwento siya tungkol sa kapwa niyang redemptorist missionary priest na si Fr. Rudy Romano na dinukot ng mga militar sa Cebu noong 1985 dahil sa pagtulong sa mga manggagawa at mahihirap.

After ng misa, nag research ako kung sino talaga si Fr. Rudy Romano at eto ang nalaman ko.


Larawan ni Fr. Rudy Romano

 

Mula siya sa isang kilala at may kayang pamilya sa bayan ng Villareal, Western Samar. Ngunit iniwan ni Fr. Rudy ang buhay na maginhawa para makapaglingkod sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagiging alagad ng Diyos. Kilala siya bilang tagapagtanggol ng mga mahihirap at pangunahing tagapagtaguyod ng karapatang pantao noong panahon ng Martial Law.  Noong panahon na siya’y dinukot, isa siyang kilalang leader ng mga anti-marcos movement sa Cebu. Naging vice-president pa nga siya ng BAYAN-Visayas (Bagong Alyansang Makabayan). At dahil sa kanyang ipinaglalaban, dinukot siya noong July 11, 1985 sa Katipunan St., Cebu City. Maraming naging saksi sa pagdukot. Kitang-kita nila  ang 10 armadong tao na sakay ng  isang puting Ford Cortina (na may pulang plaka ng gobyerno)at dalawang motorsiklo na siyang humarang at dumukot kay Fr. Rudy. Nakamotorsiklo si Fr. Rudy at papunta sana sa isang komunidad para tumugon sa tawag ng isang pamilya na nangangailangan ng tulong. May mga tumestigo kaso pinatay nila kaagad at hinarass ang iba pa kaya wala nang naglakas ng loob ng magsalita. Hanggang ngayon hindi pa rin nakikita si Fr. Rudy.


 

Tuloy tayo sa kwento.

Sabi ni Father, tanggap na nila na hindi na makikita si Fr. Rudy. Ngunit ang advocacy daw of good governance ng Simbahan, pagtatanggol sa kaparatan ng mahihirap at paghahangand ng hustisya para sa mga *desaparecidos tulad ni Fr. Rudy Romano ay magpapatuloy. Dapat daw nating gayahin ang ginawa ni Fr. Rudy na pag-aalay ng buhay para sa kapakanan ng iyong kapwa.

Tuwang-tuwa ako sa sermon ni Father. Nakaka-agit. Kung pwede nga lang mag-chant at magtaas ng kamao, gagawin ko e. Sa buong buhay ko bilang isang katoliko, ito na ‘ata ang pinakamalupet na misang napuntahan ko. Napakalinaw ng mensaheng “Faith without action is useless”. Hindi sapat na nagsisimba lang tayo kada linggo. Dapat, ginagawa rin natin kung ano man ang natututunan sa loob ng simbahan. Ika nga, “Follow Christ, Serve the People”.

Naalala ko tuloy sina tuloy sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan na apat na taon nang nawawala. Mga estudyante sila ng Unibersidad ng Pilipinas na nakipamuhay at nag-organisa ng mga magsasaka sa Bulacan. Layunin nila na magkaroon na disente at makataong pamumuhay ang mga nagbubungkal ng lupa. Katulad din sila ni Fr. Rudy, dinukot ng mga armado at hindi na nakita pa. Marami kaming umaasa na makikita pa sina Fr. Rudy, Karen at Sherlyn. Kahit hindi sigurado ang kanilang pagbabalik, tiyak naman na may magpapatuloy ng kanilang nasimulan.

Maya-maya, dumating na si Mama. “Buhay na buhay ka ata. Hindi ka nakatulog a”, biro niya. Natawa na lang ako. Sa isip ko, “Kung ganito palagi ang misa, hinding-hindi talaga ako aantukin”.

*Ang DESAPARECIDOS ay salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay “mga nawawala”. Sa Argentina, napopularisa ang salitang ito sa konteksto ng aktibong pakikibaka ng mamamayan laban sa diktadurang militar ni Jorge Rafael Videla. Mula 1976 hanggang 1983, may naitalang 9,000 andibidwal ang nawawala doon. Sila ay yaong mga inakusahan ng subersyon, dinukot at pinatay sa utos ng mga diktadura at ibinaon nang walang mapagkilanlan

About these ads
  1. mae
    Hulyo 22, 2010 bandang 7:17 umaga

    Ito na uli ako at gustong magpasalamat sa kwento mo. Nakakatuwa dahil katoliko akong minsan din lang sa isang taon magsimba. Nakarelate talaga ako kasi may kilala din akong pare na magaling magadvise.Taga laguna yun pero balita ko pinaalis na sya ng simbahan dahil nagsisigarilyo sya. Nanalo pa nga sya dati sa singing bee taong 2008.
    Alam naman natin na maraming mga tao na ang dinudukot at hindi na natatagpuan para lang din matakpan ang kanilang mga ginawang kababalaghan.
    Sana makita na sila o kung hindi man sana malaman ng taong bayan at ng kanilang kamag anak ang nangyari sa kanila. Parang yung taong hinahanap ko, Sana malaman ko na rin kung ano na kaya nangyari sa kanya. Hehe

    Sya nga pala, napadaan ako dun sa “Kapirasong Kritika ni Teo” binasa ko rin yung mga akda nya kahit malalim okay naman. Gusto ko lang talaga magbasa.Mas gusto ko itong mga kwento mo simple at mas nauunawaan ko. Salamat uli.

    • Hulyo 24, 2010 bandang 3:17 hapon

      salamat sa nag-iisang fan ng blog na ito. hahaha. hindi na talaga mabilang ang mga naging biktima ng sapilitang pagkawala at extrajudicial killing. Hindi lang ito naging laganap noong panahon ng martial law, maging ngayon ay patuloy pa rin itong nagaganap at lalo pa itong lumalala. Nitong mga nagdaang mga araw, hindi pa man nag-iinit ang pwet ni noynoy sa malacanag, may ilang aktibista na agad ang napaslang (may 5 na siguro). Nakakabaha nga na wala man lang siyang naging malinaw na pahayag tungkol dito. Kung totoo siya sa mamamayan, kailangang ibasura niya ang counter-insurgency campaign/program ng militar na Oplan Bantay Laya na syang dahilan ng pagkamatay ng mahigit 1,000 aktibista.

  2. Teo
    Hulyo 25, 2010 bandang 9:52 umaga

    Tinanong nga raw minsan si Eugene Debs, lider-sosyalista noon sa US, kung ano ang nagtulak sa kanyang maging sosyalista. Ang sabi niya: Sermon on the Mount.

  3. mae
    Hulyo 26, 2010 bandang 6:20 umaga

    Sobra ka naman.Sa ganda ng mga sinulat mo hindi lang ako tiyak ang nakakabasa nito lalo na mga studyanteng mga nagreresearch at mga taong mahilig magbasa meron lang din talagang mga tao na di mahilig mag kumento.Paano ba ilink tong blog mo sa facebook? hehe.
    Nabalitaan ko nga yung pagkakapaslang na naman sa mga aktibista.Pati naman mga taong may gustong gawin sa bayan idinadamay nila. Dapat talagang ibasura ang OBL dahil maraming tao pa ang madadamay lalong lalo na ang mga taong tunay na tumutulong sa bayan.

  4. mae
    Hulyo 26, 2010 bandang 6:23 umaga

    @Teo : Napatingin tuloy ako sa Wikipedia. Diko kasi kilala si Eugene Debs tapos nung nabasa ko ‘to ” At the time of his arrest for mail obstruction, Debs was not yet a socialist. While jailed in Woodstock, Illinois, he read the works of Karl Marx, whose ideological stances widely influenced socialism.” Naalala ko sya. Sya yung isa sa mga mahahalagang taong itunuro sa akin ni KA AYAN 12 years ago.

  5. Mae
    Agosto 31, 2010 bandang 10:32 umaga

    Helo, wala pa po bang bago? namiss ko na magbasa ng mga kwento dito.

    • Setyembre 2, 2010 bandang 5:54 umaga

      oi, pasensya na. nasira na naman kasi computer ko kaya di ako makagawa. di ako sanay na magsulat gamit ang ballpen at papel. pag-naayos na, sunod sunod na mga post ko.

  6. Mae
    Setyembre 2, 2010 bandang 12:01 hapon

    Hahaha. OO nga naman ka Nico, napakahirap magsulat. Ayos lang. Salamat at aabangan ko ang mga kwento mo.Ingat.

  7. Mae
    Hunyo 1, 2011 bandang 6:07 hapon

    Kumusta Ka Nico? Ayos na ba ang computer mo? Sa tagal tagal ko ng nagaaral ngayon ko lang naman na ang tagalog pala ng email ay “sulatroniko” Tama ba ito? Hindi ako makapaniwala. Napakagaling managalog…. Sana may kwento ka uli sa taong ito.

    • Hunyo 3, 2011 bandang 9:06 umaga

      hindi na nga masyadong makapagsulat ng mga kwento.. hehehehe medyo sarado ang utak ko. daming kong nasimulan pero lahat di natatapos.

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: