Malayang Kwento

Pagsusulat ng maikling kwento  talaga ang sentro ng blog na ito . (Hindi nga siguro papasa bilang maikling kwento ang ilan sa mga likha dito. Tawagin  na lang natin silang maikling maikling kwento) .Mga kwentong  nagiging makabuluhan dahil sa pagpapakita nito ng tunay na mukha ng ating lipunan. Yan ang dahilan kung kaya’t “Malayang Kwento” ang titulo ng blog.  Naiiba ito sa mga  kwento na nababasa natin sa karaniwang libro o kaya’y websites o blogs sa internet  dahil ang mga kwento dito ay hindi lamang isinulat para magbigay aliw o magpahayag ng mga personal na karanasan kundi para magpakita ng katotohan, magbigay inspirasyon (sa mga kapwa ko aktibista at kabataan) at higit sa lahat ay magsulong ng pagbabago.

Ang lahat ng mga kwento dito ay nangyari sa tunay na buhay at batay sa karanasan kong personal , ng aking mga kaibigan at kapwa aktibista .May ilang pagbabago akong ginawa upang mapaganda ang aking paglalahad pero hindi ito nakaapekto sa esenya o kabuuan ng kwento.

*Aminado ako na hindi ako magaling na manunulat o kwentista kaya hindi ganoon kahusay ang “porma” na ginagamit ko sa pagsusulat. Nagsisimula pa lamang akong paunlarain ang aking mga paraan. Pinipilit kong pag-aralan ang mga traditional na paraan  ngunit asahan nyo rin na kakawala ako dito at bubuo ng mga alternatibo, makabago at malayang pamamaraan ng pagsusulat. *Mahirap din maging consistent sa paggawa ng kwento dahil minsan limitado ako sa karanasan, ideya at kakayahan kaya naisipan kong magsama pa ng ibang likha. Maglalagay ako ng ilang tula, larawan at opinyon hinggil sa mga napapanahong isyu ngunit ito ay nakabatay pa rin sa konsepto ng “Malayang Kwento”.

sana sa inyong pagbabasa…  isapa’y lumaya.

  1. Mae
    Setyembre 15, 2010 bandang 9:10 hapon | #1

    MALAYANG KWENTO
    Tayong mga taong nabubuhay dito sa mundo
    Payak na pamumuhay diba ang hanap nyo?
    Sa mga sali’t saling lahi ngayo’y nag alimpuyo
    Silakbo ng damdaming di mabatid ng kapwa pinoy ko

    Heto nga na naman at pasko’y sasapit.
    Ang mga hinaing tila sumusilip
    Sa sumpa ng kapatid parin nananalig
    Sana’y makalaya sa kababayang nagpapalit-wangis

    Mali bang sumulat tungkol sa bayan ko?
    Paano naman kung ito ang simbolo?
    Pakakapatirang hindi nangangako
    Di lang sa sarili, pati na sa Mundo

    Oo nga’t Maikli itong panulat ko
    Ligayang hatid ng bawat titik nito
    Sinong makapagsasabing bawat salita’y mahalaga dito
    Halina’t matuto sa mensaheng hatid nito

    • Setyembre 18, 2010 bandang 7:05 umaga | #2

      mae, salamat sa iyong magandang tula. Pwede ko ba itong i-post? pasensya, kung wala pa ring kwento dito. naayos na ang kompyuter ko, kaso nasira naman isip ko. hindi ako magkapag-isip ng isusulat. mag-subscribe ka na lang para malaman mo kung may bagong post.

  2. mae
    Oktubre 7, 2010 bandang 2:08 hapon | #3

    Helo, Kumusta na? Pasensya ka na. medyo busy ako at diko natingnan agad and mensahe mo. Oo naman. Pwedeng pwede mo itong i-post. ( ano nga ang tagalog sa post? hehe… Salamat po uli. Ingat

  3. Mayo 28, 2011 bandang 1:14 hapon | #4

    Puerto Princesa City,Palawan

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.