Iimbak

Archive for Abril 17, 2010

Bata, bata, sinong iboboto mo?

Abril 17, 2010 3 mga puna

Sino ang iboboto mo? Ito na siguro ang pinakamadalas na maitanong sa atin sa ngayon. Kahit saan tayo magtungo, hindi maaring hindi pag-usapan kung sino ang kanya-kanyang manok sa May 10. Maging ako, hindi ko naiiwasang tanungin ang mga nakakausap ko kung sino ang iboboto nila. Pati nga pamangkin kong 7 years old hindi nakaligtas.

Share ko yung naging sagot ng pamangkin ko isang 7 years old Preparatory student. Nai-record ko  sa cellphone ’yung usap namin.

Sinong iboboto mong presidente ng Pilipinas?

“Cory! Cory! Cory!”

Patay na yun e. Sino ngang iboboto mo?

“Si Villar!”

Si Manny Villar?

“Opo.”

Bakit sa Villar?

“Dahil mahirap po siya. Dahil nagtutulong siya sa mahihirap na bata.”

Ano pa? Bakit  gusto mo si Villar?

“Yumaman kasi siya. Yumaman po siya.”

Bakit siya yumaman?

“Dahil nagtiyaga po siya mag-aral.”

Tinanong  ko siya kung bakit hindi niya iboboto ang ibang kandidato.

Bakit hindi mo iboboto si Noynoy?

“Kasi may baby sila. Si James. Si baby James. Nyoy-nyoy! Nyoy-Nyoy!”

Hindi niya anak yun. Anak ni Kris yun. Sinama lang siya sa commercial ni Noynoy

Bakit hindi mo iboboto si Gibo?

“Kasi babagsak yung eroplano niya.”

Wag naman sana.

Bakit hindi mo iboboto si Erap?

“Kasi ang dami niyang tricycle.”

Anong madaming tricycle?

Sa kanto po kasi. Nababasa ko “tricycle ni erap”. Dami sa tricycle.

Poster lang ni Erap ’yun. Hindi niya tricycle ’yun.

’Eto ang pinakagusto kong parte. Tinanong ko siya tungkol kay Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kilala mo ba si Gloria?

“Opo. Siya ‘yung presidente ngayon.”

Iboboto mo ba siya pag gusto niya ulit maging presidente?

“Hindi po.”

Bakit hindi mo siya iboboto?

“Pangit niya po. Pangit ni Gloria.”

Anong pangit?

“Yung mukha.”

Bakit pangit yung mukha?

“Kasi may nunal e. Saka po mukhang criminal.”

–May kasabihan nga tayo, hindi nagsisinungaling ang mga bata.